Ganun yata talaga pag nag mamahal ka. Hindi mo mapipigilan na umikot ang mundo mo sa kanya. Yung lahat ng ginagawa mo, lahat ng mga binabago mo, lahat ng oras mo gusto mong ialay sa kanya. Madaling sabihin na “mag tira ka naman para sa sarili mo” pero pano nga ba yun? Hindi mo naman mapipigil ang puso kung gusto nitong pumusta at mag “all in” sa kung sino mang mapili nito.